1:00 AM. Nakalabas na kami sa Bangalore International Airport. Bago at mabilis ang processing ng Immigration officers dito.
Madali ko rin na nahanap ang cab agency na magdadala sa akin sa liblib na resort ng Camp. Mayroon din palang naghihintay na dalawang participants ng camp. Kayat umalis na agad ang cab matapos maisakay ang aming mga bagahe.
2:00 AM. Nakapasok na ako sa cottage na tutuluyan ko sa buong linggo. Dalawang Indians, na estudyante ng National Institute for Design at isa pang Aprikano na nakasama ko rin sa Mobile Toolkit Camp noong 2007, ang aking mga roommates.
Malamok daw dito. Kaya't hindi na ako nagbihis upang maging hindi kaaya-aya aking amoy sa mga lamok.
7.30 AM. Almusal. Habang hinihintay ang pagkain, nakilala ko ang mga human rights workers ng Burma. Lahat sila ay naka-base sa Thailand. Nakadevelop na sila ng sekretong network upang suportahan ang mga political prisoners sa kanilang bansa. Nakilala ko rin ang isang member ng www.digiactive.org. Mahaba ang aming naging kwentuhan. Nagulat sya na walang pondo ang CPU pero sumusuporta sa mga human rights workers at iba pang NGO. Natuwa sya na ang approach ng CPU sa NGO support ay pangmatagalan. Hindi raw epektib ang mga 1-day or 1-week training. Interesado sya kung paano ginawa ng TXTPOWER.Org ang mga kampanya gamit ang mobile technology. Kasama nya sa digiactive.org ang program manager ni Obama sa kanyang presidential campaign. Interesado din syang gayahin ang CPU approach sa Morocco.
8.30 AM. Simula na ng circle session. Dahil unang araw ito ng Camp, dito pa lang aayusin ang mga sessions para sa susunod na mga araw.
Democratic daw ang pagmumungkahi ng mga sessions. May kinakausap pa ako upang magkaroon ng sariling session ang CPU. Malamang tungkol sa databases at ang kausap ko naman ang magtatalakay ng visualization.
Matapos ang maikling pakilanlan, may ilang mga disagree-agree wake up movements. Tulad halimbawa ng mga sumusunod:
1. Internet connection is a problem. Syempre kaming nasa mga developing countries ay doon sa agree.
2. Mobile phones vs internet: which is more effective in your context. Syempre sa mobile phones ako pumunta. Dahil kung alin ang may pinakamadaling akses, iyon din malamang ang effectives sa ating context. Nang may isang nagsalita na internet ang mas effective dahil wala naman daw mobile phone campaign na nabalita, nagsalita tayo na nagpatanggal tayo ng bulok na presidente katuwang ang paggamit ng mobile phones.
3. Religion vs Internet. Alin ang mas powerful? Akalain nyong may mga pumunta sa internet at mas powerful daw iyon sa pag-impluwensya ng tao? Wow. Maraming mga weird na sagot. Hindi raw pwede ikumpara.
Nang mahawakan natin ang mikropono, ang paliwanag natin ay ganito. Ang relihiyon ay isang uri ng political power. Kung sino ang may hawak nito ay malaki ang hawak din sa maaring kalabasan ng mga campaings ng mga "info-activists". Ito ay repleksyon lamang na mayroon pang mas malawak na isyung kinapapalooban ang "info-activism" na kailangang harapin. Ang mga "info-activists" kung gayon, ay dapat gamitin ang kanyang kaalaman upang isulong ang mga pagbabago sa mga mas malalawak na isyu na ito at huwag magpakulong lamang sa mga paggamit ng teknolohiya.
12nn. Lunch Break. Indian Food. Maanghang! Pero dahil may kanin, maayos ang tanghalian. Nakiumpok ako sa isang taga-Tidjikistan at Kenya.
1:4pm. Break. Natulog na lamang ako matapos mag-rehistro sa Camp Office.
4:00 PM. Basics ng Campaign/Strategy ang discussions. Maganda ang ganitong approach. Maari din itong gawin para sa mga Campaign workshops ng mga orgs. Wala naman gaanong pagkakaiba, liban sa mga terms; stakeholders/audience (sa CPU we call them people na agad), at iba pa.
6:00 PM. Breakout na ulit. Maghihintay ng pagkain.
