POWER TO THE PEOPLE: TUTULAN ANG PANGHIHIMASOK NG MGA KOOPERATIBA!

POWER TO THE PEOPLE: TUTULAN ANG PANGHIHIMASOK NG MGA KOOPERATIBA!

Nakikiisa ang CPU sa pagtindig ng mga empleyado at miyembro ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) laban sa marahas na pakikialam ng Malacanang, sa pamamagitan ng National Electrification Administration (NEA), sa pagpili ng General Manager (GM) ng kooperatiba.

Nagsagawa ng kilos-protesta kanina ang mga empleyado at miyembro ng BENECO at matagumpay na pinalayas si Ana Maria Rafael na pilit inupo ng NEA bilang GM ng BENECO sa kabila ng demokratikong pagkahalal ng BENECO kay Engr. Melchor Licoben.

Bilang mga ICT professionals at advocates, naiintindihan namin ang kahalagahan ng mga Electric Cooperative (EC) sa pagbuo ng maayos, abot-kaya at makataong sistema sa kuryente. Sa isang EC, ang komunidad ang pinakaunang nakikinabang sa kanilang serbisyo at may boses ang bawat miyembro sa pamamalakad nito.

Bakit nga ba nakababahala ang pakikialam ng NEA sa organisasyon ng BENECO?

  1. Walang dahilan upang makialam ang NEA sa pamamalakad ng BENECO dahil wala silang patunay na naghihingalo na ito. 
  2. Marahas ang paraan na pagtalaga ng NEA sa papet na GM nito na si Ana Maria Rafael. Ipinasok ng Cordillera PNP na naka full-battle gear ang opisina ng BENECO nang alas-tres ng madaling araw noong Lunes (Oktubre 18, 2021) at sinira ang mga kagamitan ng BENECO, kasama ang CCTV nito.
  3. Ayon sa mga kwalipikasyon na nakasaad sa RA 10531 at NEA memorandum 2017-35, hindi kwalipikado si Rafael na umupo bilang GM ng isang EC. 
  4. Hindi pa rin nakakabangon ang rehiyon sa hagupit ng bagyong Maring. Dahil sa insidenteng ito, lalong naantala ang pagbalik ng kuryente sa mga apektadong lugar na nasasakupan nito.

Ang mas masaklap pa, hindi BENECO ang unang EC na biktima ng ganitong klaseng takeover ng NEA. Ganito rin ang sinapit ng mga EC sa ibang lalawigan tulad ng Palawan, Pangasinan, at Davao del Norte.

Kaninong interes nga ba ang isinusulong ng ganitong marahas at sapilitang takeover ng NEA sa isang EC?? Sino-sino ang nakikinabang?

Sa harap ng ganitong atake laban sa mga kooperatiba, mas lalong tumitingkad ang tunay na kapangyarihan ng taumbayan.

ENOUGH IS ENOUGH!
POWER TO THE PEOPLE!

#StandWithBENECO
#HandsOffBENECO
#ResistTyranny

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *